May 23,2008
Happiest day ever! Sa wakas! nagkaroon din ako ng pagkakataon para makasama siya. Sobrang natuwa naman saken yung mom niya at sa tingin ko gusto niya ko para sa anak niya! hayy.. ang sarap pala ng ganitong pakiramdam! Sobrang tamis ng mga ngiting binibigay niya saken, bihira ko lang yun masulyapan ngunit sa pagkakataong ito kausap ko siya at ngumiti siya. Mahilig pala siya sa mga robots, collection daw ba?! Ngunit sa di sinasadyang pangayari, nasira ko yung pattern nung bubuoin niyang robot. Akala ko magagalit siya saken pero ang sabi niya "OK lang" na may kasamang ngiti. I was so happy dahil pinapansin niya na ako.. pero hanggang doon nalang siguro nga iyon. Panaginip lang pala lahat. Akala ko totoo na.. .
Sana di nalang alo nagising dahil masakit sa totoong buhay. Kailangan ko pa bang mag tumbling sa harap mo para mapansin mo? o kaya ay tumulay sa alambre o kumain ng apoy (tama na. ang morbid na. HAHA)??? Alam ko naman na never mangyayari to. I'm not wishing nor hoping anymore.
No comments:
Post a Comment