08 August 2015

God in Rush Hour

Sa tinagtagal ko ng nag-cocommute, alam ko na ang oras ng trapik sa Maynila. 

5-8 PM Everyday
Friday
Pay day
at of course Rainy day.

Tanong: Ano nga ba ang chance ng isang tao makasakay agad kapag lumabas siya sa opisina niya ng 6pm, makakarating ng 6:20 pm sa terminal at umuulan? 

Sagot: WALA. Walang chance.

Ineexpect ko na ang mga pangyayari. Handa na akong tumayo ng isang oras mahigit at magipon ng isang baldeng pawis para lamang sa inaasam asan kong Van! Yes Van routang FTI-Ayala.

Pagdating ko sa terminal, di ko inaaasahan ang mga pangyayari. Sa sobrang dami ng tao, di ko alam kung nasaan ang dulo ng pila para sa FTI. Umikot ako. Hinanap ko talagang maigi pero wala eh. Parang maze yung mga tao.

So, ginive up ko nalang ang Van. Tutal naman pwede rin ako mag bus. Yun nga lang standing ovation at sardinas ang peg sa bus. 

Habang naglalakad papuntang terminal ng bus, nagdadasal na ko. Sabi ko, "Lord, pasakayin mo lang ako, promise di ako magrereklamo. Gusto ko lang makauwi"

Pag dating ko sa sakayan ng bus, parang akong nananaginip. Pa-FTI yung bus. Chineck ko kung totoo ba nakikita ko at Yes, Joanna Jesh mga yung bus. 

Pagtungtung ko sa bus, para kong nakita ang langit. Ang daming bakanteng upuan at di siksikan. Yun pala yung bus pa-North sana. Nag u-turn sa ayala dahil madami daw pasahero. 

Lord, ang galing Mo po talaga. Alam Mo po kung saan Mo ako dadaalhin.

 7:15 pm nakauwi na ako ng bahay. Yung mga nagaantay ng Van? Andun padin. Hahaha

Tunay nga na "If you have Faith, Miracles happen" 😊

I am writing this post to let everyone know that we just have to trust God to where He's heading us. 

Maulan man at mahabang lakaran, sa dulo andun ang langit. 

Ikaw? San mo gusto? Mag-Van o Mag-bus ka nalang?