Linggo ng umaga, hindi pa gaanong maliwanag ng umalis ako sa bahay namin patungo sa eskwelahan. Medyo malamig noon at may badya ng pagulan. Sumakay ako sa isang jeep sa terminal. Konti na lamang at mapupuno na ang jeep at makakaalis na. May isang bata, gusgusin, may suot ng malaking tsinelas na halatang hindi sa kanya, maraming sugat sa katawan, payat ang pangangatawan at madumi. Umakyat siya sa jeep ng hindi napupuna ng driver. Habang patungo siya sa unahan ay napahawak siya sa tuhod ko upang magkaron ng makakapitan. Umupo siya sa sahig ng jeep, nakasandal sa isang gamit ng pasahero. Hindi siguro alam ng bata ang patutunguhan ng nasakyang jeep. Namamalimos ang bata ngunit hindi ito nagsasalita. May isang pasahero ang naawa at binigyan ito ng dalawang piso. May bakas ng pagkaantok sa bata, dahil siguro ay hindi siya nakatulog ng maayos noong gabi dahil umuulan. Nakatulog ang bata habang nagbabyahe. Pinagmasdan ko maigi ang itsura ng bata, tila nakakaawa siya. Mayroon siya sugat sa mga katawan na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Marahil ay wala rin siyang magulang na gumagabay sa kanya. Pumatak ang luha sa mga mata ko. Naawa ako sa bata. Naisip ko kung bakit naging ganoon ang kalagayan ng bata. Dapat bang sisihin ang kanyang mga magulang o ang gobyerno natin na walang ginawa kundi magpayaman ng kanilang mga sarili. Hindi man lamang natuunan ng pansin ang batang tulad niya. Paano pa masasabing "ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN" kung maraming kabataan ang nagugutom, naghihirap at hindi nakakapasok sa eskwelahan. Napagtatanto ko kung gaano ako kaswerte dahil nakakakain ako ng sapat sa araw-araw. Kung may dala lang sana akong pagkain noon ay binigyan ko na ang bata dahil alam kong hindi pa ito kumakain ng almusal niya.
Sana ay wag ng magbulagbulagan ang pamahalaan hinggil sa ganitong klaseng sakit ng lipunan. Maraming naghihirap habang sila ay nagpapakasasa sa kanilang kayamanan na galing din sa taong bayan. Kelan ba matutugunan ang mga hinaing ng mga tao? Kelan ba matatapos ang krisis sa ating bansa? May silbi pa ba ang mga tao sa lipunan o isa nalamang tayong kasangkapan upang umaman ang mga nakakataas? Sana dumating ang araw na magkaroon ng bagong pag-asa ang mga katulad ng batang iyon. Sana balang araw ay maranasan niya ang isang bagong liwanag sa kanyang buhay.
27 July 2008
20 July 2008
hanging by a moment
"how sad is it when the feeling is undefined?"
Di ko alam kung CRUSH lang kita or may something na. Kakainis ka kasi eh.Magapaparamdam ka then later on, you'LL leave me hanging! arghh. Magpaparamdam ka kung keln mo lang gusto?! At kakausapin mo ko sa fone kung ma tyminGan lang?! hayy... Naiinis ako sayo! OO inis tLga, kasi naman di ko alam kung ano ba taLaga! Grabe, alam mo ba i was being too aggresive na nga through jokes pero alam mo ba na "jokes are half meant true" arggh.. inis talaga.. Everytime
na I'm giving you a compliment, you would give it back to me too (kahit na alam kong di naman totoo) Pano nga ba magmahal ang isang tulad mo? Di ka pa kasi nagkakaroon ng GF eh (sabi ko naman kasi na pwedeng pwede ako) HAHA. Ilang years na rin ba kitang pinagpapantasyahan (HAHA, anong term yuN?!) nG hindi mo alam?! Bihira nga kita makita as in xobrang bihira (minsan nga di ka pa mamansin eh). hayy naku, sana kasi DI ka nalang nagpaparamdam
kasi you're making me confused. Confused kung dapat ba o hindi. May mgabagay na pinapakilig mo ko pero di ko alam kung totoo ba yun or hindi. Like nung kausap mo yung bestfriend ko and you said that I'm pretty (thanks for that) and pag-inaasar niLa ako at hindi ka sumasali. Hayy.. napaka IDEAL guy mo taLAga. Napakafriendly at everything. Pero sana kasi wag ka nalang magaparamdam kung mawawala ka din diba? So, ilang libong taon pa ba ko maghihintay? HAHA. Wag n nga lang, baka naman kasi taLagang walang pag-asa diba? HAHA. Pero gusto kong malaman mo na, "DI YA YAN TAW" (It's a chinese word). At hindi lang yun ang nagustuhan ko sayo.. Sobrang dami pa...
09 February 2007
The Battle of the Bands
Our school holds an annual battle of the Bands activity. I think this year was the best so far.. Lot of students performed their talents on playing different musical instruments and on composing their own songs. I really love their performances! Keep it up guys!=)
Subscribe to:
Posts (Atom)
